Chapter 20
Mikha's P.O.V
"Wag kang makulit" seryosong saway ni Gwen habang sinusuotan si Sheena ng hoodie. Pabiyahe na kami papuntang Mountain Province at medyo inaantok ay napilitan kaming mag sibangon para gumayak. Gising na din pala sila Maloi at Stacey, si Colet naman inaayos yung mga kakailanganin namin and si Jhoanna busy mag check ng mga med supplies.
Yes, kasama namin sila. Paano ba naman wala din ako'ng magawa nung nag iiyak si Aiah, kahit si Colet walang nagawa nung nag pumilit si Maloi.
"May dala kang sweater?" tanong ko kay Aiah habang inaayos yung mga gamit ko. Nag pout siya at lumapit sakin. "Yes.. may dala din ako'ng power bank just in case" she answered.
Tumango lang ako at muling tumingin sa mga gamit na nasa harapan ko.
I brought.. flashlight, power bank, hoodie, pants, socks.. bennie, shirt, underwear and first aid kit.. it is very dangerous because of the amount of collapsed ground and fallen trees..
Kung hindi nga lang nag iiyak si Aiah hindi ko talaga siya isasama.
"Wag ka na kayang sumama? Hindi ka pa kasi magaling" I stated a second time to convince her not to come with us.
"Wala naman akong sakit Mikha" sagot niya sakin. Napabuga ako ng hangin at tumango. Dinala ko sa Van yung mga suitcase namin baka kasi makalimutan pa. Nang nakaready na kaming lahat sumakay na kami sa Van para makaalis na. Nakaupo si Aiah sa tabi ng window at nakatitig sa labas na nag sisimula na naman umulan.
Habang nasa biyahe kami palakas ng palakas yung ulan. Nauuna ang mga seniors naman sa kabilang Van. Napansin ko'ng niyayakap ni Aiah yung sarili niya kaya binigay ko sakanya yung isang hoodie ko para maidoble niya sa suot niya.
After hours nakarating na kami sa Mountain Province medyo maliwanag na kaya kitang kita namin ang buong paligid. Maraming mga puno ang nakatumba, may mga nakakalat na yero sa paligid at mga malalaking kahoy lubog din sa tubig yung kalsada kaya mabagal ang takbo ng sasakyan namin dahil baka daw may open manholes na nakabukas. Medyo natagalan kami bago makarating sa bayan na pinagmulan namin.
Dumiretso kami sa covered court kung saan sila pansamantalang naglalagi dahil puno na ang mga evacuation centers dito. We went down to put our things in the quarters and to start treating the wounded people. Hindi ko na naasikaso si Aiah dahil naging busy agad kami. Ang daming tao kasing humihingi ng tulong, marami din ang mga batang may mataas na lagnat, ubo, at sipon. Nang kahit paano nabawasan yung mga taong nakapila, hinanap ng mga mata ko si Aiah.. Nakita ko siyang tumutulong sa pagbibigay ng mga foods sa tao kaya bumalik na ulit ako sa trabaho ko.
"Doc, girlfriend niyo po ba yun?" tanong sakin nung babaeng nasa age 40 na. Napatingin ako sa tinuro niya nakita ko si Aiah na nakatitig sakin.
"Yes po" mahinang sabi ko sabay ngiti. Napangiti din siya bago nag salita ulit. "Kaya po pala nakatitig sa'yo ang ganda ganda ng girlfriend mo Doc, na'ko Doc mag iingat kayo dito ngayon. Balita kasing nasira din ang prisinto kaya nakatakas lahat ng mga nakakulong kaya nagkalat ang mga masasamang tao baka po mapagtripan kayo" anito pa. Tumango ako sa kanya tsaka nag pasalamat bago ko binigay yung pain killers at antibiotic dahil may sugat siya sa braso niya.
Pagkaalis nung patient nilapitan ako ni Aiah para bigyan ng maiinom.
"Mikha" tawag niya sakin sabay abot ng cup ng coffee. Medyo namumutla yung labi niya kahit naka lip tint siya kaya tumayo ako para icheck kung may sakit ba siya.
"Wala akong sakit Mikha.. nilalamig lang" sabi niya sakin. "Sige na.. babalik na ko kila Prof Gomez, baka maistorbo pa kita" akmang tatalikod na siya sakin nang hawakan ko yung kamay niya.
