Chapter 23
Mikha's P.O.V
"OUCH!!!!" I screamed and writhed in pain. Napahawak ako sa may upuan at napayuko, naiiyak na ko sa sakit dito ng tinusok ni Colet sakin yung needle. Bakit parang walang effect yung anesthesia?
"Jho? Sure ka bang nilagyan mo ng anesthesia 'to?" paniniguro pa ni Colet na kakagising lang. Nagising kasi si Maloi sa iyak ni Aiah kaya nag mamadaling ginising ni Maloi si Colet nang makita niyang sugatan ako.
"Oo naman" Jho answered.
"Kung nilagyan mo bakit nasaktan si Mikha?" Gwen asked while giving Jho a doubtful look while crossing her arms over her chest.
"Nilagyan ko nga!" sabi na naman ni Jho at lumapit sakin. "Huy! Masakit ba? Saan ka ba kasi nasugatan?" tanong pa niya.
"G-gago ka! S-stop talking to me!!" nahihirapang sabi ko habang patuloy pa din na nararamdaman yung kirot.
Naramdaman ko nalang yung pagyakap sakin ni Aiah habang ginagamot ako ni Colet. Natigilan ako ng marinig yung mahinang iyak niya.
"Love stop crying" pag papatahan ko sa kanya at tinabig yung kamay ni Colet para mayakap si Aiah.
"Gusto mo bang maubusan ng dugo? tahiin ko muna yang sugat mo mamaya ka na lumandi" naasar na sabi ni Colet. Sinamaan ko lang siya ng tingin at bahagyang tinulak si Aiah.
"Later na Aiah.." sabi ko sa kanya at humarap na kay Colet. Nakatingin siya sakin at halatang naiinis na. "Laging lukot ang mukha mo" puna ko sa kanya.
"Nasira tulog ko" simpleng sagot niya at tinuloy na yung pagtatahi sa sugat ko. Tiniis ko nalang yung sakit hanggang sa matapos after nun uminom ako ng pain killer para mawala yung sakit. Nag palit na rin ako ng suot ko dahil puro dugo yun. Wala si Aiah sa Quarters at wala rin sila Maloi even Gwen siguro mag kakasama sila.
I'm wearing a white shirt and black pants, I still feel the pain but it's not like before when I was almost writhing. Maya maya lang pumasok si Aiah at dumiretso siya sakin sabay yakap ng mahigpit.
"Mikhaaa" she called me in her sweet baby voice.
"Hmm?" cold na sagot ko sa kanya. Wala ako sa mood mag salita dahil gusto ko'ng matulog muna dahil hinahatak ako ng antok.
"Rest ka muna love" aniya pa sabay halik sakin. Tinakip ko yung braso ko sa mga mata ko at nag pasyang matulog na muna.
KINABUKASAN
Nagising ako ng maramdam ko'ng sumasakit yung sugat ko kaya agad akong nag mulat ng mata. I saw Aiah sleeping next to me and her leg was resting on my stomach where I was stabbed. Dahil ayoko naman magising siya kaya dahan dahan ko'ng inalis yung pagkakadantay niya sakin at maingat na tumayo para hindi siya magising. Inayos ko yung blanket sa kanya bago tinungo yung maliit na cr dun para mag hilamos at mag toothbrush.
I put on my lab coat and went out to check if I needed to go outside because they didn't wake me up.. I saw that they were busy and could hardly attend to the others because of the number of people in line. Nag madali ako'ng lumapit at tumulong sa kanila.
"Mikha? Okay ka na ba?" nag aalalang tanong sakin ni Colet habang abala sa pag checkup dun sa babaeng buntis.
"Yes.." matipid na sagot ko habang chinecheck up yung bata.
.
.
.
.
.
.
Pasado alas-onse na ng umaga ng nag pahinga kami at nag sibalik naman yung mga tao sa kani-kanilang pwesto. Napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman yung kirot mukhang napansin ako ni Gwen kaya nilapitan niya ako.
