"Jhe's POV"
Pagkabalik namin ni Heartlalus sa room 312 ay nakita ko na nagpapahinga na si tito Aoki, natutulog na siya.
Lumapit ako sa tabi ni tita Mary para kausapin siya habang nakaupo siya sa tabi ng kama at hawak ang isang kamay ni tito Aoki.
"Tita, umalis na mga kaibigan namin."
"Ganun ba." sabay lingon siya sakin
"Opo."
"Eh ikaw niece, hindi ka pa ba uuwi?"
Umiling ako.
"Hindi po. Ikaw tita, pwede kana po umuwi sa mansion kahit ako na muna magbantay mag-isa kay tito Aoki para naman makapagpahinga din kayo. Sasabay na rin si Heartlalus sa inyo para may kasabay kayong umuwi."
"Pero pagod ka sa naging byahe mo kanina. Kaya ayos lang kahit ako na muna ulit ang magbantay sa tito mo."
"Mas pagod ka, tita. Simula ng na hospital si tito hindi pa kayo nakakapagpahinga."
"Huwag ka mag-alala. Ayos lang talaga ako."
"Pero, tita..."
Pareho kaming napalingon ni tita Mary kay Heartlalus na nasa likod namin nang magsalita siya.
"Oh shige. Akes na magbantay. Umuwi na kayong mag-tita. Keri ko 'to.. dyosang nurse akes eh."
Pero di namin pinansin ang sinabi niya.
Tumayo sa upuan si tita Mary at marahan akong hinawakan sa kaliwang braso ko.
"Sige na, umuwi kana lang muna. Ang gusto ko makapagpahinga ka at makatulog ng maayos, kahit bukas kana ulit bumalik dito."
"Sure ka ba talaga, tita?"
"Oo, niece." sabay tango siya
"Sige po." sabay tango din ako
Tapos tumingin si tita Mary kay Heartlalus para kausapin ito.
"Henry, sige na.. umuwi na kayong dalawa ni Jhe."
"Omki, mother earth."
Tumingin ulit si tita sakin.
"Sige na, niece. Umalis na kayo. Gabi na. Basta mag-iingat kayo sa pag-uwi niyo ah."
"Okay po, tita. Babalik po ako dito bukas ng umaga."
"Sige, sige. Hihintayin kita."
Kinuha ko ang isang maleta ko na nakasandal sa gilid ng bedside table, lumapit ako kay Heartlalus tapos inabot ko sa kanya sabay ngiti ako.
Napatingin naman siya sa akin at tinaas ang kilay. Saka siya ngumuso.
"Sige na." sabi ko
Umirap siya at tumingin kay tita Mary.
"Hay naku, tita Marylus. Yang chaka mong pamangkin kababalik lang ditey sa Japan parang sumusobra na agad. Akes na nga ang pinag-bitbit ng maleta niya kanina tapos akes parin magbibitbit ngayon?" reklamo niya
Ngumiti lang si tita Mary sa kanya at nagsalita ako kay Heartlalus.
"Sige na bakla. Pagbigyan mo na ako haha!" sabay tawa ako
Binalik niya ang tingin sakin, "Ano ka sinu-swerte? Di na pwede. Ayoko. Bahala ka maghila sa maleta mo." masungit niyang sabi
Medyo napakunot noo ako sa sinabi niya.
