"Chapter 42: I Will Fight For You"

818 49 2
                                        

"Kurt Sha's POV"

Pagkarating ko sa harapan ng aming gate at pagkapasok ko sa bakuran si lolo agad ang nakita kong nakaupo mag-isa sa metal chair w/table.

Nilingon niya ang tingin sakin at ang seryoso ng kanyang mukha.

Sabagay, hindi na bago sakin ang kanyang istilo. Magtataka pa ba ako? Huwag na.

Narinig kong bumuntong hininga siya at sa wakas inalis na niya ang tingin sakin.

Yun nga lang nagsalita siya sakin, "Ang akala mo ba Kurt Sha hindi ko napuna ang mga pasa dyan sa mukha mo simula kagabi. Ano na naman ba ang ginawa mong kalokohan sa buhay mo?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya kaya naglakad na ako patungong pinto para makapasok na sa loob ng bahay.

Ngunit pinagpatuloy parin niya ang pananalita hanggang sa meron akong narinig sa kanya na hindi ko inaasahang sasabihin ni lolo Yukihiro.

"Ano itong nabalitaan ko na meron ka daw babaeng kinababaliwan at nililigawan?"

Talaga nga namang nakuha ni lolo ang aking atensyon kaya napahinto ako sa paglalakad at ang sabi pa niya,

"Ang pangalan pa ng babaeng iyon ay Jhe Cruz. Ang nag-iisang pamangkin ni Mrs.Aihara na dating nakausap ko.."

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at humakbang ng isang beses..

"Paano mo nalaman yan lolo?"

Hindi sinagot ni lolo ang tanong ko sa kanya at ang sabi pa niya sakin,

"Higit sa lahat tinuturing mo pang prinsesa ng buhay mo. Tama ba, Kurt Sha?"

Napakunot-noo ako at muling nagtanong kay lolo..

"Ang sabi ko. Paano mo nalaman yan lolo Yukih---"

Naudlot ang aking pananalita sa biglaang naalala ko ang sinabi ni Kuya Manta kagabi kay lolo Yukihiro pagkauwi ko nun..

"Sir Yukihiro, kumuha na ako ng isang tao na gagawa sa pinag-uutos niyo. Babae po ang aking kinuha para hindi halata ang kanyang gagawin at sa mismong bukas narin siya mag-uumpisa."

Matapos kong maalala, napapisil ako ng isang kamay at napanlakihan ko siya ng mga mata.

"Magtapat ka nga sakin lolo. Ang babae bang sinasabi ni kuya Manta kagabi, ay ang babae bang inutusan mo para ipaimbestigahan si Jhe?"

"Oo." agaran niyang sagot

"HUWAG MO SIYANG PAPAKAILAMANAN LOLO!" pangtataas boses ko..

Tumayo si lolo at kunot-noong tumingin sakin, "Huwag mo akong pangtataasan ng boses! Apo lang kita tandaan mo yan! Makinig ka, kung ano man yang nararamdaman mo sa kanya ay putulin mo na dahil isang kahibangan lang ang ginagawa mo." galit niyang sigaw

Tumingala ako at bumuga nang hininga. Pagkatapos binaling ko ulit ang tingin sa kanya at nagtama ang aming paningin.

"Hinahayaan na kita lolo na pinapakailaman mo ang buhay ko sa kagustuhan mong makialam sakin kahit sawang-sawa na ako. Tapos ngayon pati si Jhe nagawa mo pang pakialamanan? Sana naman hindi mo na siya pinaimbestig---"

Dinuro ako ni lolo, "TUMAHIMIK KA! Hindi siya ang babaeng karapat-dapat para sayo, Kurt Sha!"

"Hindi lolo Yukihiro. Ikaw ang tumahimik at tumigil sa mga ginagawa mo. Tandaan mo ito lolo, oras na nalaman ko lang na ginalaw niyo si Jhe, umiyak, at nasaktan sa mga pinagkakagawa mo. Sinasabi ko na sayo huwag na huwag mo na akong ituturing na apo mo kahit kailan.."

Tulad Mong Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon
OSZAR »