"Chapter 64: Duel"

344 30 0
                                        

"Aikee's POV"

Maaga akong pumunta sa bahay nila Seeley kanina para humingi ng sorry sa kanya sa mga maling nasabi ko kahapon. Kaso, hindi ko siya nadatnan sa bahay nila dahil umalis din siya ng maaga sabi ng mama niya.

Bago naman ako umalis sa bahay nila tinanong ko muna si mrs.Isurugi kung saan pumunta si Seeley para mapuntahan ko pero hindi nito naipaalam sa kanya. Kaya ito ako ngayon naglalakad mag-isa at napapaisip kung saan ba pumunta si Seeley.

Sa paglalakad ko naman naalala kong bigla na nakita nga pala namin ni tol Kou si Seeley sa tea cafe kahapon. Hindi kaya andun siya ngayon para makipagkita ulit sa lalakeng 'yun? At kung sakaling andun nga si Seeley kelangan ko siyang puntahan para makausap.

Tumingin ako sa relo ko at 8:16am na, tapos lumingon ako sa left side kung saan ang daan patungong tea cafe at nagsimulang tumakbo ng mabilis.

Pagkarating ko sa private sakura tree hininto ko muna saglit saka isinandal ang likod ko sa puno para makapagpahinga. Tumingala ako at nilagay ang kanang kamay sa aking kwelyo sabay hinila ko ito para makahinga ng maayos habang hinihingal. Total, malapit naman na ako sa tea cafe at sana andun nga si Seeley.

Makalipas ang sampung minuto, inalis ko na ang pagkakasandal ng likod ko sa puno. Lalakad na sana ako pero bigla akong napatago sa likod ng puno nang makita ko ang paparating na si Saitou at may isa siyang kasama.

"Ano itong ginagawa ko bakit nagtago ako?" sabi ko sa mahinang boses

Pero hindi naman niya siguro ako nakita dito habang nagpapahinga, lalo na nagtatawanan pa silang dalawa.

Nakakapagtaka nga lang ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Hindi kaya sadyang magkikita na naman sila ni Seeley?

"Argh! Nakakainis. Bakit umiinit ang ulo ko sa tuwing naiisip ko 'yun?" bulong ko

Maya-maya nakalapit na sila Saitou sa pwesto ko at natigil ito sa paglakad nang hinarangan siya ng kanyang kasama.

Langyah naman! Pwede bang bilisan nila para makaalis na ako dito sa likod ng puno nang mapuntahan ko na si Seeley? Oh pwede rin na tatakbo nalang ako ng mabilis para maunahan ko silang dalawa sa tea cafe at itakbo agad si Seeley palayo sa mga kumag na 'to.

Hanggang sa natigilan ako sa pag-galaw ng ihahakbang ko na sana ang aking paa nang marinig ko ang tinanong ng isang lalake kay Saitou.

"Seryoso kaba liligawan mo si Seeley?"

"Oo naman. Kasasabi ko lang sayo kanina, diba?"

"Haha.. baka naman nainlove ka ng totoo nyan ah. Hindi iyan ang pagkakakilala ko sayo, dre."

Habang nakikinig ako sa kanila biglang kumirot ang dibdib ko sa nalaman. Napasandal ako sa puno, tumingala at huminga ng malalim.

"Si Saitou may gusto kay Seeley at liligawan niya ito?" bulong ko

Narinig kong nagsalita si Saitou..

"Ano kaba, Tsuyoshi? Kelan pa ako nainlove sa babae? Di ba pwedeng liligawan ko lang si Seeley para paglaruan hahahaha!"

"Hahaha pucha ka talaga napaka-playboy mo, dre. Sabagay, marami ka nga namang girlfriends at nagagawa mo pang pagsabayin. Ni, wala ka ngang seneseryoso isa sa kanila. Akala ko titino kana nang dahil kay Seeley, yun pala kasama rin siya sa listahan ng mga babae mo para lokohin."

"Maganda naman talaga si Seeley kaya nga liligawan ko siya para mapabilang sa listahan ko. Sayang din siya kapag di ko nakuha, bro."

"Hahaha dyan ka naman magaling eh."

Tulad Mong Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon
OSZAR »