"Narrator's POV"
-A Maid And Butler W/Music Band Cafe (Saturday - 07:13pm)-
Habang nagkakasiyahan ang lahat ng mga maid and butler family sa kanilang celebration sa pang 9th years anniversary ng restaurant. Ganun din ang mga bisitang nagsidatingan upang makisaya sa matagumpay na negosyo ng mga family Aihara.
Masaya ang naging pagkikita ng mga ibang negosyante dahil sa nagagawa nilang mapag-usapan ang tungkol sa mga narating nila sa buhay. Ang iba naman sa kanila ay nauuna ng kumain para matikman ang bawat putahe na talagang naging patok sa panlasa ng mga customers kaya binabalik-balikan nila ang mga pagkain sa restaurant.
Samantala sa trainer's building, nakatambay naman ngayon sila Shinsuke, Aikee at Koutaro sa loob ng music room habang hinihintay nila ang pagdating ni Kurt Sha.
"Aikee, nasaan na si Kurt? Nagtext na ba siya sayo?" naiinip na tanong ni Shinsuke
"Wala pa tol eh. Tinatawagan ko nga rin siya hindi naman niya sinasagot." sagot ni Aikee
Nagsalita si Koutaro.
"Sandali nga lang mga pre. Ano ba kasing ginagawa natin dito sa loob ng music room? Ano kaya kung bumalik na tayo doon sa restaurant? Tara na nga."
Agad na nagsalita si Aikee sa kanya sa hindi nito pagpayag na pag-alis nila sa loob ng music room.
"Mamaya na. Maaga pa naman saka hindi pa nagsisimula. Sigurado kapag bumalik na tayo doon hindi pa natin makikita sila ma'am Mary at sir Aoki. Sadyang napaaga lang talaga ang pagpunta ng mga bisita dito."
"Hahaha.. Ewan ko sa inyo. Kayo nalang dalawa ang magkulong dito. Huwag niyo na akong idamay mga kalog rin kayo eh." natawang sabi ni Koutaro at tumawa din si Aikee
Ilang sandali pa, narinig nila na may kumatok sa labas ng pinto at kaagad pinagbuksan ni Koutaro ang nasa labas. Nakita nila na si Kurt Sha ito at agad nagsalita sa kanila.
"Ano ba yang nasa isip niyong tatlo at bakit andito kayo? Pati ako napapunta pa tuloy dito."
Dinuro ni Koutaro ang dalawa bago magsalita.
"Ewan ko nga ba sa dalawang 'to pati ako dinamay pa."
Napayuko ng ulo si Aikee sabay tawa siya ng malakas.
"HAHAHAHAHA!"
Kinamot ni Kurt Sha ang ulo niya.
"Tama na yan mga brad. Let's go!" yaya niya at sabay-sabay na silang naglakad
Pagkalabas nila sa trainer's building, sa kitchen nalang nila naisipan dumaan para mapabilis ang kanilang pagpasok sa loob ng restaurant. Pagkalabas nila sa kusina ay kaagad naman silang nakita ni Henry na kapapasok palang sa entrance at mabilis silang nilapitan nito.
Napatakip bibig si Henry at tumatalon-talon pa dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya na makaramdam ng pagkakilig nang makita niya sila Kurt Sha, Shinsuke, Aikee at Koutaro.
Napasigaw siya.
"OHMYGOLLYWOW! Seryoso ba talaga ang nakikita ng beautiful eyes ko ngayon? Pwede na akes mamatay sa totoo lang, promise! Ang kagwapo niyo jusko po! Gurabe talaga ang swabe ng dating niyo over-over sa yummies nyahaha yiiiieeeeh! Kinikilig talaga akes!"
Parehong tumawa sila Aikee at Koutaro sa nakita nilang reaksyon ni Henry at muli pa itong nagsalita sa kanila.
"Mga papas ko. Di rin halata na grupo kayo ng mga tuxedo team noh? Ahaha enebeyen."
